Monday, April 17, 2017

Kim Domingo Denies Feuding With Meg Imperial On The Set Of GMA-7's New Afternoon Soap, 'D'Originals'

KIM DOMINGO is glad to be a part of the new afternoon soap, "D'Originals", where she plays the wife of Archie Alemania who is sharing him with his kerida, Meg Imperial.

"It's nice to be part of a big cast na puro magagaling ang kasama mo, like Tita Jaclyn Jose, Katrina Halili, LJ Reyes,Natalie Hart at si Meg among the girls, at sina Jestoni Alarcon, Mark Herras and si Archie nga among the guys," she says. "Ako ang pinakabaguhan sa aming lahat and I'm happy na marami akong natututuhan from working with all of them. Bale comedy-drama ang series na ito showing the modus operandi ng mga lalaking nangangaliwa sa mga misis nila at kung paano rin sila mabubuking. Maraming lessons ito for husbands and wives na namomroblema sa kanilang marital relationships. Parang woman empowerment ito helping wives para sila mas maging matalino sa pakikitungo sa mga asawa nila."

In real life, Kim admits that she has received a number of indecent proposals from married men and DOMs or dirty old men. "Nagsisimula pa lang ako as a model, I already got very tempting offers na bibigyan nila ako ng maganda at marangyang buhay pumatol lang ako sa kanila. May pangako pang bahay, lote, kotse, pocket money. Talagang ipapangako lahat sa'yo and it's up to you kung papatol ka o hindi. Pero malaki ang takot ko sa Diyos kaya never akong natukso sa ganyang offers. Lola ko ang nagpalaki sa akin so alam ko kung ano ang tama at mali. Mas mabuting maging maligaya ka sa bagay na pinaghirapan mong makuha kaysa yung niregalo lang sa iyo na alam kong madali ring mawawala sa iyo at magpapagulo lang sa buhay mo."

0 comments:

Post a Comment