Wednesday, May 17, 2017

Ana Capri Forgives Chinese Guy Who Molested Her In A Club, Feels She's Now So Blessed After Winning Acting Award In Malaysia


ANA CAPRI looks so sexy in her body-hugging black gown when she received the best supporting actress trophy for “Laut” from producer Baby F. Go of BG Productions. We tell her we’re not surprised she won at the ASEAN International Filmfest Awards in Sarawak, Malaysia as she was really so effective as the negligent mother of impoverished Badjao children in “Laut”.

“And to think muntik ko nang hindi tanggapin ang pelikulang ito,” she says. “When the line producer, Dennis Evangelista, contacted me, I said no kasi may ginagawa akong soap noon. E, ang layo pa ng location shooting ng movie, sa Pampanga, tapos tinawaran pa niya ang talent fee ko. Then he got back at me at sabi, ikaw talaga ang gusto ko for this role at kailangan mong tanggapin ito kasi it’s an important film. So kinausap ko yung mga tao sa soap at pinayagan naman ako. Tinanggap ko rin yung discounted rate niya sa TF ko. At yun, it paid off, nanalo ako ng international acting award. So salamat kay Dennis for giving this role to me.”

How come she was not able to go with the Philippine delegation to Malaysia to receive her trophy in person? “E, nataon kasi, magpapaospital ako for some surgery. Di na puedeng iurong. But I’m really so honored na akong nanalo kasi doon sa best supporting actress category, may mga kalaban akong foreigners, pero may kalaban din akong local actresses, sina Cherry Pie Picache and Sue Prado, na parehong magagaling. The fact that I won, tumaas talaga ang confidence ko sa kakayahan ko.”

In May of last year, we remember she filed a case of acts of lasciviousness and slander by deeds against a Chinese-looking guy who groped her in a club in BGC. What’s the status of the case now? “Isang taon na nga, wala pa rin namang progress. Hindi na raw nila mahanap, e. John Doe pa rin. So, in my heart, empathy and compassion na lang ang pinapairal ko. Natutuhan ko na siyang patawarin kasi ako rin naman, bilang tao, hindi rin ako perfect. Pero the case will remain in court para just in case gawin na naman niya yun ulit sa ibang babae, may record na siya. As for me, move on ako kasi ang dami ko namang blessings na natatanggap, like this international acting award. Hindi ko naman hinanap ito, pero kusang ibinigay. So thank you, Lord.”

0 comments:

Post a Comment