Monday, May 22, 2017

Jackie Rice Says She's Now More Serious In Her Career And Wants To Grow Old In Showbiz As A Respected Actress

JACKIE RICE is the only winner in Starstruck 3 who is still active today. Marky Cielo has passed, Gian Carlo has gotten married and Iwa Moto has retired. Although she has played lead in some soaps, Jackie is now supporting Jennylyn Mercado, Starstruck 1 winner in "My Love from the Star" that starts airing on Monday. “First time ko to work with her and it excites me," she says. "I told her idol ko siya noon pa man and she’s the reason why I joined Starstruck 3 then.”

How come she hasn’t played any lead roles lately? “Okay lang, basta happy ako sa roles ko, like in ‘My Love from a Star’ na pinanood ko talaga before as a Koreanovela, kaya fan ako nun and I’m happy to be part of the local adaptation. I play Lucy, best friend ni Jennylyn from high school na artista rin pero laging suporta lang sa kanya. Tahimik lang ako rito at happy na sa pagiging supporting actress. Pero magkaribal ang mothers namin dito ni Jen. Siya, si Glydel Mercado at ako naman, si Melissa Mendez, na pinu-push ako para sumikat ding gaya ni Jen. Brother ko naman dito si Renz Fernandez at gusto ko rito si Christian Bautista, pero si Jen ang mas gusto niya.”

So how’s her long time non-showbiz BF? “Wala na kami. Halos eight years kami, pero we broke up eight months ago.”

What’s the reason? “E, siguro, hanggang talagang doon na lang ang relasyon namin. Dumaan lang kami sa buhay ng isa’t isa to somehow help each other grow. Walang forever. Pero siya ang longest na naging BF ko. Kaya lang, after a month, I learned na napalitan agad ako. Ako, wala pang bago, pero happy ako kasi mas may time ako sa parents ko, sa family ko. But I wish we could still be friends kasi since we broke up, hindi niya ako kinakausap. Nagseselos yata sa’kin ang GF niya ngayon.”

She admits there was a “luka-lukahan” phase in her career before when she became unprofessional. “Hindi pa kasi ako sure sa sarili ko noon. Mas inuuna ko pa ang gumimik. But now, I’ve realized, ito talaga ang gusto kong gawin, ang umarte. Ang wish ko, dito na ako tumanda at sana magaya ako sa senior actresses nating pagaling nang pagaling habang tumatagal. Si Jean Garcia ang peg ko. Di ba, hindi nawawalan ng work at ang husay-husay pa rin kaya respetado ng lahat?”

0 comments:

Post a Comment