Thursday, July 13, 2017

Comedian Boobsie Wonderland Often Mistaken As Gay: 'Babaeng Bakla Lang Po Ako, Hindi Po Ako Bading'

BOOBSIE WONDERLAND, noted for her baby talk on cam, is often mistaken for a gay comedian. “Hindi po ako talagang bakla, babaeng bakla lang po ako,” she says when we interviewed her on the set of “Dear Uge”. “Yung mga nag-aakala tunay na bading ako, kapag nakikita naman nilang totoo ang boobs ko, they realize na babae nga pala ako.”

Her real name is Mary Jane Arrabis and she started working as a Japayuki when she was only 14 years old. “Showgirl ako, e. Sing and dance. Dinaya ko age ko, kunwari 18 na ako. First experience ko sa Hapon, hinawakan agad ang boobs ko. Bago ko magalit, binigyan ako ng dalawang lapad, bale P5,000 ang worth niyon. When I told my mom, sabi sa’kin, sige lang anak, mag-ipon ka.”
She had a very colorful life. “Sumali ko sa contest ng ‘Eat Bulaga’ in 2001, yung ‘Feeling Sexy’. Nanalo ako. Sexy pa ako noon, e.”

She even tried doing sexy films using the name Mystica Suarez. “Kasabayan ko sina Aya Medel at Camille Roxas. Na-meet ko yung husband kong model na nag-aartista rin. Ayun, nagkaanak kami


pero nagkahiwalay. Naiwan sa kanya yung son namin. Nakisama naman ako sa isang lesbian sa Japan. Pero nagkabalikan kami uli ng husband ko.”

Now 40 years old, she’s noted for her giant baby persona on cam. “Nagwo-work ako sa Dubai at sina Allan K and Miss Uge ang nag-convince sa’king umuwi sa Manila. Ayun, sinunod ko nga sila at nakasama ko sa sitcom na ‘Conan The Beautician’. Right now, kasama ako sa ‘Sunday Pinasaya’, sa Most Requested ng “Celebrity Bluff’, at guest ako sa ‘Dear Uge’ as best friend ni Diana Zubiri named Bebelyn.”

0 comments:

Post a Comment