Monday, July 31, 2017

Kris Bernal Talks About The Biggest Challenges In Playing Her Dual Roles Of Nimfa & Rosette In The Hit Soap 'Impostora'

KRIS BERNAL can’t help but be amused by the request of some loyal fans of her hit afternoon soap, “Impostora”, for her to make her partnership with leading man Rafael Rosell for real and not just for reel. “Hindi ko akalaing magiging ganun karami ang magkakagusto sa tambalan namin,” she says. “Maraming nagme-message sa aking kinikilig sila sa sweet moments namin sa screen. Okay na okay raw ang chemistry namin, but we all know hanggang screen lang yun kasi taken na si Rafael.”

She admits playing her dual roles as Nimfa and Rosette is proving to be the most demanding thing she has done as an actress. “Kailangan kasi, magkaibang-magkaiba yung dalawang characters na ginagampanan ko. Mukhang mabait at nakakaawa si Nimfa so medyo madali siya for me kasi marami na kong nagawang ganyang characters before. Mas mahirap talaga gawin si Rosette kasi she is so NOT me. Big challenge kasi dapat laging diyosa ng kagandahan ang dating ko sa screen, refined ang galaw, pero very mean and ruthless. So binabago ko ang tone ng boses ko, mas harsh. At nagi-smoke pa ko rito which I don’t do in real life. But I feel satisfied kasi tinatawag akong bitch ng ibang galit na viewers when I’m Rosette, which means nagtatagumpay talaga ako in portraying my role. Sabi ko nga, sige, call me a bitch. I like that.”

0 comments:

Post a Comment