Sunday, September 3, 2017

Kris Bernal Cries Over The Tiring Demands Of Her Dual Roles In 'Impostora' But Says It's All Worth It

KRIS BERNAL says she knows that her afternoon show, “Impostora”, is rating very high in its slot but she’s not sure if the talk that it would be extended is true. “Wala pang official notice but if it’s true, okay lang,” she says. “Although, personally, doing my dual roles as Nimfa and Rosette can be so emotionally draining. Daig ko pa ang may split personality kapag nagte-taping dahil magkaibang-magkaiba ang characters and personalities nila. Nakakabaliw yung sa buong magdamag ng taping, papalit-palit ka ng ipinakikitang emosyon. Daig mo pang sumakay sa roller coaster. Ilang beses na akong naiyak sa hirap, sa pagod, pero malaking consuelo talaga yung lagi kaming panalo sa ratings. At mabuti na rin lang, hindi na nilalagyan ng prosthetic make up si Nimfa para papangitin, kundi lalong malaking dusa for me.”

But when you watch the show, you wouldn’t think Kris is having a hard time with her two roles because she seems so at ease and so relaxed in portraying them before the camera. “Well, for that, I would like to thank my co-stars kasi lahat sila, very supportive sa akin. Lalo na ang leading man ko, si Rafael Rosell. He always gives me encouraging words that help me motivate para mas mapagbuti ko ang trabaho ko.”

The fans of “Impostora” think they’re really playing beautiful music together even off cam. “I can say that we became really good friends while working on ‘Impostora’. At nakakatuwa nga yung ibang fans ng show who say sana maging kami na talaga. Pero huwag nyo na pong i-push yan dahil we all know taken na si Rafael. Ayokong magalit sa akin ang non-showbiz girlfriend niya at ayoko ring matawag na boyfriend snatcher po ako.”

0 comments:

Post a Comment