Monday, November 27, 2017

Jean Garcia Plays A Villain Without Breeding In 'Kambal, Karibal', Adopts A Baby Girl Now That Daughter Jennica Has Her Own Baby

JEAN GARCIA is challenged by her role in GMA-7’s new primetime soap that starts airing tonight, “Kambal, Karibal”. “Kontrabida uli ako pero kakaibang kontrabida kasi walang poise, walang breeding,” she says. “Kung dati sosyal na kontrabida pa ako, this time, talagang wa class ang dating ko, ‘Day. Palengkera ako rito, mura ako nang mura at sobrang mukhang pera. I thought I was already doing my best, pero napagsabihan pa rin ako ng director naming si Don Michael Perez, kasi may pagkasusyal pa raw ang pagbibitaw ko ng mga mura ko na parang Madame Claudia ang dating. Kaya binago ko, ginawa kong mas balahura talaga. Enjoy naman ako kasi sa last show ko, ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’, mabait ako. So dito, balik ako sa pagiging salbaheng kontrabida.”

What’s her role exactly in “Kambal, Karibal”? “Ako ang kasabwat dito ni Marvin Agustin sa pang-aapi kay Carmina Villaroel, na nakatrabaho ko na before dito rin sa GMA-7 in ‘Mahika’. Ninakaw niya ang kambal na anak ni Carmina, pinalabas na mga namatay sa isang aksidente, pero ang totoo, binigay sa’kin. Inampon ko naman pero inaapi ko.”

She’s paired with Gardo Versoza in the story. “Yung asawa kong si Gardo ang naging tagapagtanggol ng mga kambal na sina Crisanta at Criselda. Pero namatay yung si Criselda dahil sa may depekto siya sa immune system niya. Naiwan si Crisanta at lumaki siya as Bianca Umali. Yung multo naman, naging si Pauline Mendoza. Kakaiba ang premise ng story kasi may multong karibal si Bianca, kaya tiyak na maiintriga ang viewers at tututukan nila ito gabi-gabi.”

How’s her daughter Jennica who’s now married to Alwyn Uytingco and has a daughter herself? “Every now and then, may guestings siya, but ang plano nila, to put up a farm in Siquijor and have an organic garden. Kung matutuloy sila, baka mag-relocate sila roon at maging mga magbubukid. Ang ganda raw kasi sa Siquijor. Enjoy sila roon at gusto nilang i-try ang buhay probinsiya. Siempre, kung ako ang tatanungin, ayoko, kasi malalayo sila sa akin. Kaya lang, buhay naman nila yan kaya sila ang magdedesisyon. Ayokong masabing pakialamera ako, so susuporta na lang ako sa kung ano ang gusto nila. Ako naman, may inampon na sarili kong baby, si Jessica. Kasi yung bunso kong si Kotaro, teenager na rin, so wala na akong ma-baby. Actually, anak ng kapatid ko si Jessica, pero iniwan na nung ina, so pinaaayos ko ang adoption papers para maging legal ang lahat. Blessing sa’kin na dumating itong si Jessica sa buhay ko kasi na-miss ko yung may inaalagaan ako.”

She claims she has no lovelife now. “Tama na. Gusto ko, kapag nagka-boyfriend ako uli, siya na yung last, mag-aasawa na ako and for good na yun. Kaso, wala naman akong makikita magiging lifetime partner ko, so dito na muna ako sa bago kong baby.”

0 comments:

Post a Comment