Saturday, December 9, 2017

ANDREA TORRES TRIES TO SEDUCE VIC SOTTO AWAY FROM HIS WIFE, HAPPY TO HAVE A METRO FILMFEST ENTRY IN 'MEANT TO BEH'

ANDREA TORRES is very thankful that Vic Sotto got her to be part of the cast of his M-Zet Productions’ Metro filmfest entry, “Meant to Beh”. “Big blessing ito for me na makasama siya sa movie at si Ms. Dawn Zulueta and all the other stars in the cast na ngayon ko lang nakatrabaho,” she says. “Excited nga akong sumakay sa float namin para sa Parade of Stars to herald in the filmfest.”
Most of her scenes are with Bossing Vic himself. “Magkasama kami dito sa trabaho at malaki ang crush ko sa kanya kaya natuwa ako nang malaman kong maghihiwalay sila ng wife niyang si Ms. Dawn. Si Daniel Matsunaga naman, hoping na matuloy nga ang separation nila para maligawan niya si Ms. Dawn, but the kids nina Bossing na sina JC Santos, Gabby Garcia and Baeby Baste will do everything para mag-reconcile ang mga magulang nila. Masaya ang pelikula at bagay na bagay sa kapaskuhan kasi it’s really for the whole family.”
How would she assess the passing year in her life and career? “Sa kabuuan, maganda naman.  I did
‘Alyas Robin Hood 2’ with Dingdong Dantes at heto, may movie pa ako. Nagbago ako ng management and moved to GMA Artist Center. Kung may nangyari mang hindi maganda, I lift it all up na lang kay Lord. Kasi hindi ko ugaling magtanim ng sama ng loob at ayoko ng negative vibes. It’s better to forgive than magkimkim ka ng galit.”
So what’s her next project with GMA-7 for 2018? “So far, wala pa, but I will take advantage of the break at magta-travel kami ng family ko. Balak kong ipasyal sila sa Japan, then sa Guam para bisitahin yung brother kong based doon. Gusto ko ring magpunta sa Australia at sa Maldives kasi they have such nice beaches at gusto kong mag-pose doon nang nakabikini then ipo-post ko sa social media. Sasamantalalahin ko na habang hindi pa ako busy with a new assignment.”
How about her lovelife? “It’s not a priority. Hindi naman hinahanap yan. Kusang dumarating, bahala na si Lord.”

0 comments:

Post a Comment