Friday, December 22, 2017

Jericho Rosales Proud Of His Filmfest Entry Where He Gets To Show His Talent For Singing And Which Displays The Pristine Beauty Of Siargao


JERICHO ROSALES says this will be a sad Christmas as he will be terribly missing his father who died earlier this year. He says his father’s demise is the chief reason why he backed out from the Quantum Films filmfest entry, “All Of You”. “That time, sobrang nami-miss ko pa ang dad ko kasi sobrang close ako sa kanya at araw-araw ko siyang naaalala,” he says. “He supported me a lot noong nag-uumpisa pa lang kaya I really got depressed when he passed. Dahil doon, I questioned kung ano ang purpose ko at gusto ko na lang nang tahimik na buhay. But dahil sa pagmamahal ko sa industry, naisip kong huwag itong talikuran dahil it’s been good to me and gave me so many good opportunities kaya bumalik din ako.”

He has now completed the filmfest entry, “Siargao”, which he enjoyed doing as it’s about surfing. “E, surfer talaga ako in real life, kaya I really had fun doing all the surfing scenes here myself. It helped me forget anuman yung malungkot na pinagdaraanan ko. Puro magagaling pa ang co-stars kong sina Erich Gonzales and Jasmine Curtis Smith at nagkasundo kami nang husto ng direktor naming si Paul Soriano. We’re all very proud of this movie that also displays the beauty of Siargao in all its pristine glory. I play Diego, a singer na bumalik sa hometown ko in Siargao after staying in Manila for so many years. You will see Siargao Island in all its beauty as captured in our movie.”

Recently, his photos meeting former girlfriend Heart Evangelista were posted on social media and their fans were excited by it. “Yes, nabasa namin ng wife ko (Kim Jones) ang comments sa Instagram at kung anu-anong story na ang agad nabuo. Siguro, gusto nila talaga ang aming love team. But tawa kami ng tawa ng wife ko, kasi parang these people forgot na Heart and I are already married to someone else. Tapos, ganun pa rin ang reaction ng ibang tao. Dapat, move on na lang sila.”

0 comments:

Post a Comment