Wednesday, January 10, 2018

Marian Rivera Promises A Lot More Surprises & Pasabog In 'Super Ma'am' In Its Last Two Weeks


MARIAN RIVERA feels sad that her primetime show, “Super Ma’am”, is ending in two weeks. “Sobrang naging close ako sa lahat ng co-stars ko at sa buong staff,” she says. “Naging family talaga kami. Three months lang kami dapat, e. Pero na-extend pa kami up to end of January at talagang lagi kaming masayang lahat tuwing may taping.”

Meg Imperial, who plays her co-teacher in the show, says Marian is so nice to all of them. “Siyang nag-organized ng Christmas party namin, ginastusan niya, at lahat kami, may gifts na personalized pillow cases na may pangalan namin. Tapos ngayon, siya rin daw ang bahala sa cast party namin sa pagtatapos ng show.”

Marian is due to renew her contract with GMA anytime this month. For movies, she’s still under contract with Regal and she wants to request Mother Lily to allow her to do films with other companies.

“After ‘Super Ma’am’, ayoko munang mag-soap,” says Marian. “I still have two shows naman kung weekend, ‘Sunday Pinasaya’ and ‘Tadhana’. Tapos, I’m shooting new endorsements, one of them with Zia. What I really want to do is a new movie, pero ayoko na nung dating romantic movies na ginagawa ko. I want to go out of the box, parang indie film sa Cinemalaya. May concept na ako kasama ang isang aktres sa kabilang network na never ko pang naka-work. Kapag natuloy, first time naming magsasama at sobrang ibang-iba ito kaysa sa anumang role na nagawa ko na before.”

She won’t reveal who the actress is and what is the concept. “Huwag na, baka gayahin at unahan pa ako ng iba.”

She still has a hangover from the gift she got from husband Dingdong Dantes for their 3rd wedding anniversary last December 30.

“For Christmas, binigyan niya ako ng bagong dress and make up kit. Tapos for our anniversary, sabi niya, may gift daw siya pero hindi material na bagay. Ginawa raw niya nang buong puso. Yun pala, gumawa siya ng video about our love story, yung journey namin bilang mag-asawa. Umpisa pa lang, humihikbi na ako. Nung makita ko yung mga pinagdaanan namin, I was so touched, lalo nang lumabas na si Zia, napahagulgol na ako. Dun ko talaga na-realized na wala nang sasarap pa sa buhay kaysa family mo. Sabi niya, ise-share daw niya sa public, sabi ko, go. Ayun, ang dami ng nakapanood, buong respective families namin, at lahat sila, touched, pati ang father ko sa Spain. Nilagay ko sa phone ko yung video at lagi kong pinapanood, kasi sabi niya reminder yun kung gaano niya ako kamahal.”

Marian wants to tell viewers of ‘Super Ma’am’ that more surprises are coming in its last two weeks. “After the guesting of Gil Cuerva and Patricia Tumulak, abangan nyo dahil si Barbie Forteza naman ang lalabas. Basta, marami pa kaming sorpresa at pasabog, like yung big reveal na kapatid ko palang nawawala si Kim Domingo, kaya huwag na huwag kayong bibitaw hanggang sa ending ng aming show.”

0 comments:

Post a Comment