Saturday, August 12, 2017

Andrea Torres On Reported Rift With Marian Rivera Over Selos Issue: 'I Respect Their Marriage. They're A Happy Family, So My Conscience Is Clear'

ISN’T ANDREA TORRES worried that rumors linking her to Dingdong Dantes would be revived now that they’re reunited in “Ang Pagbabalik ni Alyas Robin Hood” with her reprising her role as Venus?  “Ako kasi, I just want to be positive about things so hindi ko na lang iniisip yung mga ganyan,” says Andrea. “Kasi if you’d let yourself be affected by intrigues, magkakailangan lang kayo sa taping. E, sa ngayon, napakadali ng trabaho namin kasi kilala na namin ang isa’t isa after magkasama kami noong first season. Si Pepe talaga ang nakikita ko sa kay Kuya Dong and it’s always fun to work with him kasi marami rin akong natutuhan sa kanya. Hindi kami nagpapaapekto sa mga issue at intriga.”

How did she feel when was bashed for being linked to Dong? “I respect him and his marriage, so walang dapat ipagselos sa akin. You can see naman na they’re a happy family, so I don’t let myself be affected by bashing on social media. Lahat naman ngayon, nagbibigay ng opinion nila, very judgmental, di ba? Ang mahalaga, kilala mo yung sarili mo. Ako naman, ever since, alam ko kunsaan ako lulugar. Ang importante, you are always professional. Nandito ka para magtrabaho, so gawin mo lang nang tama ang trabaho mo. Kaya kahit pagbintangan nila ako, basta malinis ang konsensiya ko at kilala ng mga tao sa paligid ko yung tunay na ako, yun ang mas importante. Never akong pumatol as in nang-away. May basher na kung ano-ano ang sinabi sa’king panlalait, ang sagot ko lang, I will pray for you when I go to church. Kasi lahat kami ng buong family ko, madasalin talaga.”

So how is Season 2 different from the first one? “Mas pasabog ito sa umpisa pa lang. Kasi magpo-propose na sa’kin ng marriage si Pepe complete with an engagement ring. Kaso, bago pa matuloy ang wedding namin, magkakaroon ng complications. Ang mother niyang si Jaclyn Jose as Judy, magiging biktima ng terrorist group headed by Jay Manalo. Magiging hostage sa pagsalakay nina Jay sa city hall. Mas pasabog din ang fight scenes dito. Meron akong fight scene sa bubong ng tall building, e may fear of heights ako, pero ginawa ko pa rin. Then papasok pa si Edu Manzano as a corrupt politician at magkakaroon ako ng bagong ka-love triangle kay Pepe, si Solenn Heussaff. Kaya abangan nyo ang start ng Season 2 this Monday after ‘Mulawin vs. Ravena’.”

So is she happier now that GMA Artist Center is managing her and no longer Triple A which also manages Marian Rivera? “Oo naman, pero nagpaalam naman ako nang maayos sa Triple A kaya maganda ang naging paghihiwalay namin. Noong magkita nga kami sa Tagaytay noong wedding ni Rochelle Pangilinan nina Mr. Tony Tuviera at Ateng Rams David, big bosses ng Triple A, I hugged them, nagkuwentuhan kami and we’re okay.”

At the said wedding last Tuesday, a lot of people were wondering why Marian was absent when the groom is Dingdong’s cousin. “Siempre hindi pupunta roon si Marian kasi si Andrea ang maid of honor ni Rochelle at si Dong ang best man ng groom na si Arthur Solinap,” someone who attended the wedding told us. “Baka ma-out of place lang siya roon kaya unawain na lang natin.”

0 comments:

Post a Comment