Thursday, September 21, 2017

Andrea Torres On Reports That Solenn Heussaff In 'Alyas Robin Hood' Makes Her Feel Insecure: 'Bakit Naman Ako Mai-Insecure Sa Kanya?'

ANDREA TORRES is busy with “Alyas Robin Hood” and a new movie, “Meant to Beh, Ika-something na Utos”, but she doesn’t mind working everyday. “I really prayed na maging busy ako this year and my prayer was answered,” she says. “Sabi ko, ang sarap siguro kung araw-araw, nagtatrabaho ako. O ibinigay naman kaya wala akong reklamo kahit very tiring ang schedule ko.”

Solenn Heussaff has joined the cast of “Alyas Robin Hood”. Doesn’t she feel insecure with the positive comments that Solenn is getting as her rival over Dingdong Dantes in the show? “Bakit naman ako mai-insecure sa kanya? I don’t look at her as a rival kundi magtutulong-tulong kaming lahat na connected sa show para mas mapaganda ang programa at mas magustuhan kaming panoorin ng viewers. Hanga nga ako sa discipline niya kasi kahit pagod na sa taping, nakakapag-gym pa siya. Abangan nyo kasi marami kaming gagawing pasabog in the coming episodes of ‘Alyas Robin Hood’.”

Shooting “Meant to Beh” is a dream come true for her. “Kasi fan talaga ako ni Bossing Vic Sotto ever since. Noon, napapanood ko lang siya sa movies at sa TV, ngayon, kasama ko na sa pelikula kara para itong big accomplishment for me bilang isang artista. Bale ba, kasama pa namin si Ms. Dawn Zulueta, isa pang artistang hinahangaan ko kaya nai-starstruck ako sa kaya noong una. Buti na lang mamabait sila kaya naging comfortable ako agad sa set at mabait din ang director naming si Chris Martinez.”

0 comments:

Post a Comment