Tuesday, February 20, 2018

Jackie Rice Enjoys Being Loveless, Back In Full Contravida Mode In 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

JACKIE RICE was last seen in the fantasy romcom, “My Love from the Star”. Now, she’s back in a serious drama, “Hindi Ko Kayang Iwan Ka’, playing one of the contravidas to Yasmien Kurdi. This starts airing this coming Monday, February 26, to replace the current hit, “Haplos”.

“I play Ava Imperial, isang mayamang socialite na dating kasintahan ni Mike Tan as Marco,” she says. “Ako ang gusto ng mother niyang si Gina Alajar para sa kanya, pero mas pinili niyang pakasalan ang promding si Yasmien as Thea. Hindi ako makapag-move on sa naging relasyon namin kaya, sa tulong ni Tita Gina, gagawin ko ang lahat para bawiin ko si Mike mula kay Yasmien. Yung character ko ang tiyak na gugustuhing sampalin ng viewers ng show dahil for sure na maiinis sila sa akin.”

So, is she ready for bashers who will pounce on her in social media? “Naku, sorry na lang, wala akong pakialam sa bashers. Hinahayaan ko lang silang magalit dahil hindi ako pumapatol sa kanila.

Kahit kung minsan, nasasaktan ako, lalo pag personal ang mga birada nila, dinededma ko na lang. Iniisip ko na lang na kung nagagalit man sila sa akin, it only means na nabibigyan ko ng justice ang role ko at very convincing ang acting ko.”

She’s played lead roles before. Doesn’t she mind playing contravida roles now? “Okay lang naman. Magandang career path ang pagiging character actress kasi you don’t have to worry na ikaw ang magdadala ng buong show. And I guess, alam naman ng GMA kunsaan ilalagay ang mga artista nila,
so happy ako. Kasi, hindi ako nawawalan ng project nang matagal, e. May guestings din naman ako sa other drama shows na bida pa rin ako, mabait pa rin, pero mas enjoy na akong nagtataray. It’s nice to be able to shift to various kinds of roles. Next, gusto ko rin ng bida-kontrabida roles, for a change.”

About her lovelife, she says she’s been loveless for sometime. “May mga nanliligaw, pero wala akong sinasagot, kasi mas masaya ang buhay ko ngayon. Yung last date ko, non-showbiz, hindi kami magkaintindihan as we’re not on the same wave length. So hinihintay ko na lang kung sino ang ipapadala ni Lord sa akin. As of now, my attitude is aanhin ko naman ang love life kung lagi lang akong pinaiiyak? My past relationships, puro hindi nag-work, e. So I have to let go. I have yet to meet someone who I can feel na truly deserves me.”

0 comments:

Post a Comment