Saturday, February 24, 2018

Katrina Halili And 'The Stepdaughters' Co-Stars All Rejoicing For The High Ratings Of Their New Afternoon Prime Show

KATRINA HALILI leads her co-stars in “The Stepdaughters” to thank the viewing public for making their afternoon drama the numero uno show in its slot. “Back in full contravida mode ako rito as Isabelle Salvador at talagang nagki-click sa viewers ang mga eksena ng tarayan namin ni Megan Young as Mayumi de la Rosa,” she says. “So abangan nila kasi there are more intense catfights scenes and sampalan scenes that are coming their way, but ibang atake namin dito sa ‘The Stepdaughters’ kasi it’s all done in a classy way. Hindi kami mga palengkerang nagtatalakan dito kundi mas sosyal ang mga patutsadahan namin kaya sigurado akong mas tatatak sa mga manonood.”

Does she allow her daughter Katie, now 6, to watch her doing contravida roles like in “The Stepdaughters? “As much as possible, ayaw ko siyang nanonood, lalo na kapag may nakalagay na Strict Parental Guidance or SPG. Pero alam na niya on her own at parang takot din siya kasi, once, nakita niyang binubugbog ako at di niya nakayanang panoorin, kaya siya na mismo, she turns off the TV or change channels. Hindi ko rin siya pinapapanood kasi kung minsan, delikado rin yung lengguwahe so ayokong matutuhan pa niya. Doon na lang siya sa mga safe and wholesome shows at hindi yung may mga eksenang nagpapaka-bitchy ang nanay niya.”

Is it true she has closed her heart permanently on the possibility of having another relationship after she broke up with Katie’s dad, singer Kris Lawrence? “Hindi naman. Kaya lang, as of now, rest muna ako. At saka hindi naman yan hinahanap, kusang dumarating yan kung ibibigay na ni Lord. As of now, okay naman ako. Five years na akong hindi nagkakarelasyon at di ko naman nami-miss. Nung Valentine nga, ang anak ko ang ka-date ko at happy naman kami. Siguro kapag 35 na ako, baka maisipan ko na talagang mag-settle down, but it has to be with someone na handa ring mahalin ang anak ko gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Package deal kami, e.”

0 comments:

Post a Comment