Sunday, March 18, 2018

Mark Herras Has A Special Participation In 'Contessa' Then Gets A Full Length Bida-Kontrabida Role In 'The Cure'

MARK HERRAS has a special participation in “Contessa” that starts airing today to replace “Ika-6 na Utos”. “Sa pilot week lang ako mapapanood,” he says. “I play Marco, na gustong-gusto ni Lauren Young as Daniella, pero ang pinili kong pakasalan is Glaiza de Castro as Bea. Lauren comes from a very rich and powerful family so para gumanti, pinapatay niya ako sa isang hitman, si Mon Confiado, na binaril ako sa mismong harap ng altar ng simbahan kunsaan katatapos lang kaming ikasal ni Glaiza. Tapos, pina-frame up ng pamilya nila si Glaiza na siyang mastermind ng pagpatay sa’kin para makuha ang insurance money ko. Pati sarili kong kapatid, si Geoff Eigenmann, maniniwalang si Glaiza nga ang may kagagawan at ididiin din siya hanggang mabilanggo siya. Kahit sandali lang ako sa ‘Contessa’, I enjoyed working with Glaiza. Sana mabigyan kami uli ng chance na magkasama sa isang show na mas mahaba ang role ko.”

Mark agreed to do the special guest role in “Contessa” as he has another soap where he plays a full length role, “The Cure”, a big-budgeted science-fiction show which is about zombies. He co-stars with Jennylyn Mercado and Tom Rodriguez.



“Very challenging ang role ko diyan kasi may pagkabida-kontrabida,” he says. “Abangan nyo kasi kakaiba ang series na ito, may pagka-horror na action din.”

So how is his GF. Reina HispanoAmericana Winwyn Marquez. “She’s okay. We’ve just finished taping a dramatic episode for ‘Magpakailanman’.”

Have they talked about any wedding plans? “Naku, wala pa. One year pa ang reign niya as beauty queen at hindi ko siya puedeng madaliin.”

0 comments:

Post a Comment